Pres’l adviser sa vax makers: Sertipikasyon kunin na bago bawiin ang COVID emergency

Pres’l adviser sa vax makers: Sertipikasyon kunin na bago bawiin ang COVID emergency

June 6, 2022 @ 7:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion ang mga COVID-19 vaccine makers na mag-apply para sa certificate of product registration (CPR) habang patuloy naman nyang itinutulak sa gobyerno na bawiin na ang COVID-19 public health emergency declaration.

“What we want to do is that eventually if the public will buy their own vaccines, manufacturers will have to apply for a CPR so this is a certificate of product registration,” ayon kay Concepcion sa Laging Handa public briefing.

Aniya, sa oras na ang bakuna ay mayroong CPR, magiging madali na sa publiko na bumili ng bakuna sa drugstores.

Idinagdag pa ni Concepcion na mapapagaan nito ang financial burden ng pamahalaan, kasalukuyang pinapasan ang malaking halaga ng bakuna.

Sa kabilang dako, matatag ang posisyon ng Department of Health laban sa pagbawi ng deklarasyon lalo pa’t mangangahulugan ito na ang emergency use authorization (EUA) para sa COVID-19 vaccines ay invalid.

Sa kasalukyan, ang lahat ng 9 na COVID-19 vaccines na pinayagan na gamitin sa Pilipinas ay mayroong EUA, at hindi CPR, mula sa Food and Drug Administration.

Ang EUA ay pinagkaloob sa panahon ng public health emergencies para mapabilis ang availability ng mga bakuna na “under development.”

Ang desisyon ay kadalasang ipinalalabas ng FDA sa loob ng 21 calendar days sa paghahain ng aplikasyon.

Para sa CPRs, ang mga kompanya ay bibigyan ng 90 araw para sumunod sa mga requirements, ayon sa FDA. Kris Jose