Preso nagbigti-patay sa piitan

Preso nagbigti-patay sa piitan

March 5, 2023 @ 3:25 PM 2 weeks ago


TACLOBAN CITY –WINAKASAN ang sariling buhay ng isang Person Deprived of Liberty (PDL) sa pamamagitan ng pagbigti matapos matagpuan sa loob ng banyo sa piitan na nakabigti, iniulat kaninang umaga sa Ormoc City.

Kinilala ang biktimang si Mario Globa, 45-anyos at residente ng Brgy. Tambulilid, Ormoc City.

Batay sa report ng Ormoc City Police Station, nagsasagawa ng physical headcount ang duty personnel ng jail facility subalit pag-akyat nito sa ikalawang palapag ng gusali nakita na lamang ang biktima na nakabigti sa banyo ng kanyang kulungan gamit ang pinagdugtong-dugtong na damit.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor./Mary Anne Sapico