Preso, nanikip ang dibdib patay

Preso, nanikip ang dibdib patay

August 6, 2018 @ 1:53 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Isa na namang preso ang binawian ng buhay nang makaramdam ng paninikip ng dibdib kaninang madaling araw.

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Allan Rafael, 35, binata, taga-Sampaloc, Maynila ngunit namatay din.

Nang makaramdam umano ng paninikip ng dibdib ang biktima ay agad na ipinagbigay alam sa jail officer na siya namang nagdala sa kanya sa ospital.

Nabatid na si Rafael ay nakulong sa Barbosa PCP sakop ng MPD-Station 3 dahil sa kasong breach of peace at sa iligal na droga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)