“Press freedom predators” list ng global watchdog minaliit ng Malakanyang

“Press freedom predators” list ng global watchdog minaliit ng Malakanyang

July 6, 2021 @ 3:30 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Minaliit ng Malakanyang dahil sa pagkawala ng merito ang pagkakasama kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa global watchdog’s 2021 list ng “press freedom predators.”

Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang naging classification ng nasabing watchdog kay Pangulong Duterte bilang press freedom predator ay “absolutely bereft of merit.”

“Wala po talagang basehan na media predator ang ating Presidente,” anito.

Tinukoy at ginawang halimbawa pa ni Sec. Roque ang International Criminal Court prosecutor na humiling ng imbestigasyon sa drug war campaign ng Duterte administration ay gumamit ng media reports.

“That proves po that freedom of the press is alive and well in the Philippines. Wala po ni isang kasong libelo na isinampa ang Presidente, wala pong kahit sinong mamamahayag na napakulong ang Presidente,”ani Sec.Roque.

Ang pakakasara naman ng ABS-CBN Corp ay desisyon ng Kongreso at hindi ni Pangulong Duterte o ng gobyernong Duterte.

Hinggil naman sa usapin ng Rappler, binigyang diin ni Sec. Roque na ang mga appointees ng Aquino administration sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang responsable sa pagbawi ng certificate of incorporation ng nasabing news website na Rappler.

Ang Rappler ay kilala para sa investigative reports at fact-checking sa gobyerno.

Tinawag naman ni Pangulong Duterte ang Rappler bilang “fake news outlet.”

Tinukoy naman ang Reporters Without Borders reports, sinabi ni Sec. Roque na “That’s part and parcel, of course, of the media group’s advocacy to promote freer press.”

Sa ulat, kasama si Pangulong Duterte sa 37 pinuno ng gobyerno sa buong mundo “who crack down massively on press freedom,” ayon sa gallery na inilathala ng Reporters Without Borders.

Sinabi ng Paris-based media watchdog, bunsod ng “collusion at all levels,” si Pangulong Duterte ay mayoong “arsenal that he can use to wage ‘total war’ against journalists.”

“Judges who don’t toe the line are pushed aside. Congress tamely endorses all the president’s decisions. Backed by most of the private sector, Duterte easily imposes his line on media outlets owned by businessmen that support him,” dagdag na pahayag ng grupo. Kris Jose