Press freedom sa Pinas kinikilala, iginagalang ng Malakanyang

Press freedom sa Pinas kinikilala, iginagalang ng Malakanyang

August 30, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kinikilala at  nirerespeto ng pamahalaan sa ilalim ng  pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang press freedom sa bansa na nakabatay sa Saligang Batas o Konstitusyon.

Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kasabay ng selebrasyon ng National Press Freedom Day ngayong araw ng Martes, Agosto 30.

Ani Cruz-Angeles, idineklara at naisabatas noong nakaraang administrasyon ang araw ng pagkilala na ito sa kalayaan ng pamamahayag sa bansa at kay Marcelo H. Del Pilar, isang bayaning mamamahayag at propagandista noong panahon ng pananakop ng mga kastila.

Siya rin aniya ang tinuturing na ama ng pamamahayag sa bansa.

Sa official social media account ni Sec. Angeles, inihayag nito na nakikiisa ang Office of the Press Secretary (OPS) sa pagdiriwang na ito ngayong araw. Kris Jose