Press Sec. Trixie, nagbitiw sa tungkulin sa medical reasons

Press Sec. Trixie, nagbitiw sa tungkulin sa medical reasons

October 4, 2022 @ 3:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagbitiw na sa kanyang tungkulin si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles dahil sa medical reasons.

Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na  naghain ng kanyang resignation letter si Cruz-Angeles ngayong araw ng Martes, Oktubre 4.

“We’re  still in the process of helping the Office address her resignation today. So, iyon muna ang aming present concern,” ayon kay Guevarra.

“Hopefully, in the near future.. we will have our new Press Secretary,” wika pa ni Guevarra.

Aniya, mayroong ilang medical conditions si Cruz-Angeles na hindi na nito nagawang tutukan pa dahil sa pagiging abala niya bilang Press Secretary.

“So, right now. At least, she has time now to address that concern,” aniya pa rin.

Sa ngayon aniya ay wala pang napipisil si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang bagong Press Secretary.

Samantala,  kinumpirma ni Cruz-Angeles na nagbitiw na siya sa kanyang tungkulin bilang Press Secretary.

Sa isang text message, sinabi nito na “I tendered my resignation this morning, effective end of business hours today. Due to health reasons.”

“It was a pleasure working with you,” wika  pa ni Cruz-Angeles. Kris Jose