Press Secretary sa mga ‘di nabanggit na isyu sa SONA: ‘It doesn’t mean it isn’t there’

Press Secretary sa mga ‘di nabanggit na isyu sa SONA: ‘It doesn’t mean it isn’t there’

July 27, 2022 @ 3:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng Malakanyang na prayoridad din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga usapin na hindi nito nabanggit sa kanyang unang State Of the Nation Address (SONA).

“The President has laid out his priorities. It doesn’t mean that he is not going to pay attention to other concerns,” ayon kay  Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Ani Cruz-Angeles, ang mga isyu na nabanggit ng Pangulo sa kanyang Ulat sa Bayan ay  “just the roadmap” para sa kanyang administrasyon.

“But the day-to-day and ongoing activities are considered still part of the program, particularly those related to continuity,”  dagdag na pahayag nito sabayn sabing “So, just because it wasn’t mentioned, doesn’t mean it isn’t in there.”

Sa ulat, hindi kuntento ang mga miyembro ng minorya sa Senado at Kamara sa laman ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes.

Ayon kina Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III at Risa Hontiveros, hindi man lamang sinabi ni Marcos kung paano lalabanan ang pagnanakaw at pang-aabuso sa mga kababayan gayundin ang malinaw na plano kung paano mapapataas ang produksyon ng agrikultura sa bansa.

Tinuring naman ni ACT Party-list Rep. France Castro na napaka-ambisyoso ng SONA ni Marcos.

Nagtataka naman si Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas kung bakit hindi tinalakay ang umento sa sahod, bagkus ay binigyang-diin pa ang ‘rightsizing’ na magreresulta ng tanggalan sa trabaho. Kris Jose