Press Secretary sa mga Pinoy: Mahalagang papel ng IPs sa kultura, pag-aralan

Press Secretary sa mga Pinoy: Mahalagang papel ng IPs sa kultura, pag-aralan

August 9, 2022 @ 5:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nanawagan si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa sambayanang Pilipino na maglaan ng panahon at oras na pag-aralan ang mahalagang  papel at tungkulin ng indigenous people (IPs) sa pagpo-promote ng  Philippine culture at  pagkakakilanlan.

Ang panawagan na ito ni Cruz-Angeles ay  kasabay ng pakikiisa ng  Office of the Press Secretary sa bansa sa pagdiriwang ng National Indigenous People’s Day.

Inilarawan ni Cruz-Angeles  ang nasabing  event bilang  oportunidad na bigyang-papuri ang  IPs at  at iba oang ethnic groups sa bansa at sa buong mundo,

“Ito rin ay pagkakataon upang alamin at kilalanin ang mahalagang papel ng mga katutubo sa pagtaguyod sa mga kaalaman at kultura na bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay sa kasalukuyan ,”ayon kay Cruz-Angeles sa kanyang  Facebook post.

Partikular na tinukoy nito ang mahalagang kontribusyon ng  indigenous women  sa  kanilang komunidad.

“Bahagi nito ang mga mahahalagang aral at kaalaman mula sa mga babaeng katutubo na nagsilbing pundasyon at nagpakita sa lipunan ng mahalagang papel ng mga babae sa pangangalaga ng pamilya, lipunan, at bansa ,” dagdag na pahayag nito.

Ang National Indigenous Peoples Day  ay ipinagdiriwang bilang special working holiday sa Pilipinas kada tuwing sasapit ang Agosto 9 kasunod ng pagkakapasa ng  Republic Act (RA) No. 10689. Kris Jose