Prestihiyosong badminton tourney sa HK muling kinansela

Prestihiyosong badminton tourney sa HK muling kinansela

September 2, 2022 @ 5:33 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling kinansela sa ikatlong pagkakataon ng Badminton World Federation (BWF)Β  ang nalalapit na Hong Kong Open tournament bunsod ng banta ng COVID-19,

Nakatakda sanang ganapin ang Super 500 tournament sa Nobyembre 8-13 sa Kowloon subalit nagdesisyon ang organizers na kanselahin muna ito.

Isiniwalat ng BWF na na kasalukuyan silang nakikipag-usap sa gobyerno ng Hong Kong upang maluwagan ang ilang restrictions kaugnay sa COVID-19.

Inirereklamo ng mga kalahok ang umano’y pagkakaroon pa ng quarantine period sa mga dayuhan na mula sa ibang lugar.JC