PRESUMED VALID NGA BA? (Part 1) 

PRESUMED VALID NGA BA? (Part 1) 

October 3, 2022 @ 6:51 PM 2 months ago


KAPAG malinaw ang paglabag nito sa batas dapat pa bang ipatupad ang isang ordinansa ng LGU?

Ito ang tanong ng maraming motorista sa Manila LGU sa patuloy na paglumpsika  ng driver’s license ng kanilang enforcers  base sa ordinance 8092.

Sabi ng abogado ng Manila LGU – PRESUMED VALID unless declared unconstitutional ng husgado.  Ibig sabihin dahil may kapangyarihan ang Manila na ipatupad ang kanilang ordinansa TANGING HUSGADO LAMANG ANG PWEDE MAGPATIGIL SA KANILA. Kaya hindi pwede ipawalang bisa ang isang ordinansa ng isang DILG Memo lang.

 Abogado rin ang kasalukuyang kalihim ng DILG kaya alam niya yun.

Walang sinabi ang DILG na pinawawalang bisa nito ang mga LGU ordinance. Ang sabi ay – ayon sa DILG at DOTC Joint Memo na ONLY LTO AND ITS DEPUTIZED ENFORCERS ang may kapangyarihan na mag confiscate ng driver’s license kaya ang mga LGU ay inutusan na  rebisahin  ang kanilang mga ordinansa.

Kaya nang magpasya ang Manila na ituloy ang pag kumpiska ng lisensya ANG HINDI NILA SINUNOD AY ANG DIREKTIBA NG DILG na i-review ang kanilang ordinansa.

Pero bakit ang ibang LGU tulad ng Quezon City ay sumunod at hindi na mangungumpiska ng lisensya. May ordinansa rin naman ang QC. Bakit ang mayor ng Manila hindi sumunod? Tuloy, ang nagkakaproblema ay ang mga motorista at enforcers.

Sa tingin ko ay kailangan na sa lalong madaling panahon ay magpulong ang DILG at Manila LGU.

Pero paano kung ayaw talaga sumunod ng Manila. Kailangan pa bang may mag demanda para mawalang bisa ang ordinansa dahil PRESUMED VALID ito? (May karugtong)