Presumptive VP Sara manunumpa sa Davao City sa Hunyo 19

Presumptive VP Sara manunumpa sa Davao City sa Hunyo 19

May 16, 2022 @ 7:44 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Plano ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na manumpa bilang ika-labinlimang pangalawang pangulo ng Pilipinas sa kanyang hometown sa Davao City sa Hunyo 19.

“Duna na ta’y intended date for the inauguration. Sa June 19, dinhi sa siyudad sa Davao,” ani Duterte sa Davao City Disaster Radio.

Aniya pa, maraming Davaoeños ang nais na personal na makasaksi sa kanyang inagurasyon.

Samantala, dahil dito, makakadalo siya sa oath-taking ng kanyang running mate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., bilang ika-17 pangulo ng bansa.

Nakatakdang umupo sa puwesto ang mga bagong halala na lider ng bansa sa Hunyo 30.

“Once the winning candidates are proclaimed, you can already take oath anytime. We have set a date, but we have not planned it yet because we do not know the exact date of the proclamation. It could be after June 19. But we have set a date just in case the proclamation will happen… June 19,” paliwanag ni Duterte-Carpio sa Cebuano dialect.

Pero paglilinaw niya, bagama’t Hunyo 19 siya manunumpa ay sa Hunyo 30 pa magsisimula ang kanyang trabaho bilang vice president.

Papalitan niya sa puwesto si outgoing Vice President Leni Robredo.

Tatlong terminong nagsilbi bilang alkalde ng Davao City si Sara.

Mauupo naman bilang bagong alkalde ng lungsod ang nakakabata niyang kapatid na si incumbent City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte. RNT/ JCM