Presyo ng asin tumaas pero walang shortage-DTI

Presyo ng asin tumaas pero walang shortage-DTI

August 25, 2022 @ 6:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Matapos aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas ng suggested retail prices ng asin, nilinaw naman nito na walang shortage sa suplay sa bansa.

Sinabi ni Undersecretary Ruth Castelo, anim na taon na kasing hindi gumagalaw ang presyo ng asin sa bansa.

“On the issue of supply, we have sufficient supply kasi marami tayo… We have three or four large companies na gumagawa ng asin tapos meron pa tayong mga imported,” aniya pa.

Sa inilabas na bulletin noong Agosto 12, 2022, nasa P21.75 na ang SRP para sa 500 grams ng iodized rock salt, at P23.00 para sa one kilo.

Sa iodized salt naman itinakda ang SRP para sa 100-gram pack sa P4.50 habang P9.00 hanggang P11.75 naman sa sa 250 grams; nasa P16.00 hanggang P21.25 para sa 500 grams; at P29.00 sa one kilogram. RNT