Presyo ng asukal, bababa – SRA

Presyo ng asukal, bababa – SRA

November 15, 2022 @ 9:24 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagsimula nang  maging ‘stable’ ang presyo ng asukal sa bansa nang dumating ang 150,000 metriko tonelada  ng imported sugar at milling season  ng  local producers.

Sinabi ni Pablo Luis Alcoza,  planters’ representative ng Sugar Regulatory Authority (SRA) board, ang pagbaba sa presyo ng asukal ay dahan-dahang nararamdaman sa lokal na pamilihan.

“Na-feel na ng buong market ‘yung change in demand and supply as well kasi parang peak of milling na tayo ganyan. I think the refined [sugar] will be at around P90 siguro, more or less…’yung washed at P80 I think is fair kasi ‘yung brown siguro ‘pag ganun P70 siguro ‘yun,” wika ni Alcoza.

“Sa farmers kasi it has been in a constant decline. Siguro, mga it took about almost three weeks na pababa. We will know this Thursday. If it maintains the same level, then, we can fully say na stabilized na po,” dagdag na pahayag  nito.

Makikita sa data ng Department of Agriculture (DA) para sa buwan ng Oktubre na ang presyo kada kilogram ay karaniwang  P100 para sa  refined sugar, P75 para sa washed sugar, at P80 para sa brown sugar sa Kalakhang Maynila “as of September 29, 2022.”

Samantala, welcome naman sa United Sugar Federation (UNIFED) ang pagdating ng  imported sugar products.

Gayunman, kailangan at dapat na mai-stabilize ang presyo ng asukal mula P85 hanggang P90 para  mapigilan ang posibleng pag-abono at pagkalugi ng mga sellers.

“Mukhang nag-reflect na siya Wala na kaming reklamo,. ‘Yung damages ng bagyo po, ni Paeng, we can live with it. We can still produce the next crop for the next year,” ayon kay  UNIFED President Manuel Lamata. Kris Jose