Presyo ng asukal P70 na lang kada kilo

Presyo ng asukal P70 na lang kada kilo

August 19, 2022 @ 4:38 PM 1 month ago


MAGANDANG balita para sa lahat!

 Bababa na ang presyo ng asukal sa mga susunod na araw.

Ito’y matapos makipag-usap ni Executive Secretary Victor Rodriguez sa mga malalaking supermarket owners base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Nabatid na ang presyo sa merkado ngayon na P90 hanggang P110 per kilo ay ibababa na ang suggested retail price na P70 kada kilo ng asukal.

“The President lauded the selfless response from these businessmen who are sacrificing not just their own inventory but also their projected business profits for the sake of the ordinary Filipinos at this time when the country is besieged by many problems,” ani Rodriguez.

“This is a classic display of the indomitable Filipino spirit of ‘bayanihan’ and love of country,” wika pa niya.

Sinabi ni Rodriguez na ang SM stores ay nangakong ang segundang asukal (washed sugar) ay ibebenta ng P70, gayundin ang Robinson’s Supermarket na magbabagsak ng isang milyong kilo ng asukal na ibebenta rin ng P70 kada kilo sa Metro Manila.

 “Puregold likewise committed to make available 2 million kilos of refined sugar at P70 per kilo. This will give ordinary Filipinos access to cheaper sugar with more than 3 million kilos available in the market next week,” sabi pa ni Rodriguez

Upang matiyak na maraming ‘consumers’ ang makabibili ng murang asukal, sinabi ni Rodriguez na babantayan ng Department of Trade and Industry ang bawat merkado upang maiwasan din ang posibleng ‘household hoarding’ ng ilang nangangalakal na mamimili.

Inaasahang babagsak ang presyo ng asukal sa Metro Manila sa susunod na linggo at mananatili ang P70 kada kilo ng asukal’ sa merkado hangga’t may sapat na supply.

Ayon pa kay Rodriguez, maging ang Victorias Milling Company ay nangako rin upang tulungan ang mga ‘traders food manufacturing industries’ sa pamamagitan ng 45,000 sako at 50 kilos per sack bottler-grade sugar para soft drinks companies.

“This is to avert a possible temporary halt in their operations that could result to the displacement of their workers,” pagbibigay-diin pa ni Rodriguez.

“Victoria’s milling also allotted 500,000 kilos of sugar for consignment in Kadiwa stores in the populated parts of the Visayas,” ani Rodriguez.

Kamakailan ay nakipagpulong ang Pangulo sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, Inc. para pag-usapan ang problema sa kakulangan ng supply ng asukal sa bansa.

Ang PCFMI ay principal organization ng manufacturers and distributors ng food products sa bansa. Responsable sila sa pagbibigay sa mga mamimili ng ligtas, masustansya at murang processed food products alinsunod sa local and international standards and regulations.

Plano rin ng Pangulo ang direct importation ng food manufacturers bilang bahagi ng ‘emergency measures’ sa pagtugon sa kasalukuyang pangangailangan ng industriya. Kailangan lang nito ng approval ng Sugar Regulatory Administration kung saan naman chairman si Pangulong Marcos.  RNT