Presyo ng asukal, ‘stable’ na sa Nobyembre – SRA

Presyo ng asukal, ‘stable’ na sa Nobyembre – SRA

September 20, 2022 @ 3:48 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Inaasahang magiging stable at matatag  ang retail price ng asukal sa buwan ng Nobyembre.

Ito’y dahil sa darating na sa bansa ang imported na asukal at magsisimula na ang milling season.

Sinabi ni SRA Acting Administrator David Alba na ang retail price ng  refined sugar  ay magiging stable sa P70 hanggang P80 per kilogram.

Sa kabilang dako, base sa datos mula sa isinagawang monitoring ng Department of Agriculture (DA) “as of September 19”, makikita na ang umiiral na retail price ng refined sugar ay P95 per kilo habang ang  washed sugar ay mabibili sa halagang P75 per kilo  at brown sugar,  P72.50 per kilo.

“Hopefully by November, once all imported refined [sugar] comes in, we should see stabilization on the prices,” ayon kay Alba.

Matatandaang, inaprubahan  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang pag-aangkat ng 150,000 na metric tons ng asukal.

Kalahati ito ng orihinal na nilalaman ng kontrobersyal na Sugar Order No. 4 na naumsyami’t pinaimbestigahan pa sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Nilagdaan na ni Pangulong  Marcos ang Sugar Order No. 2 (Series of 2022-2023) para matuloy na ang importation ng refined sugar.

Kalahati nito, o katumbas ng 75,000 metric tons ay ilalaan para sa mga industrial users, habang ang nalalabi namang kalahati ay ilalaan para sa mga konsumer.

Nauna nang sinabi ni Alba na ang “import program is just a stop-gap measure because we expect supply from the mills to flow into the market as refineries are expected to be in full operation by next month.”

Aniya pa rin,  “refineries will be in full operation in November.”

“So we’re hoping by November prices will stabilize,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose