Presyo ng bigas, gulay tataas pa sa bagyong Karding – DA

Presyo ng bigas, gulay tataas pa sa bagyong Karding – DA

September 29, 2022 @ 3:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabadya na tumaas ang presyo ng bigas at mga gulay dahil sa epekto ng bagyong Karding.

Ito ang ibinabala ng Department of Agriculture ngayong Huwebes, Setyembre 29.

“Maaring magkaroon ng pagtaas lalong lalo na sa palay at gulay sapagkat ito’y matinding tinamaan sa Central Luzon,” ani DA Undersecretary Domingo Panganiban kasabay ng public briefing.

“Maaaring tumaas from 15 to 20% ang ating presyo ng kalakalan sa palengke,” dagdag pa niya.

Ang tinutukoy nito ay ang malaking pinsala sa sektor ng agrikultura na idinulot ng bagyo na sa huling tala ng Kagawaran ay umakyat na sa P2.02 bilyon at nakaapekto sa 150,693 hektarya ng taniman.

Sa huling datos ng DA nitong Setyembre 28, ang presyo ng bigas ay naglalaro sa pagitan ng P38 hanggang P40 kada kilo. RNT/JGC