Presyo ng bigas tataas!

Presyo ng bigas tataas!

January 17, 2023 @ 7:25 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbabadyang tumaas ang presyo ng bigas bunsod ng pagtaas ng presyo ng farm gate.

Base sa ulat na tumaas ang farm gate price ng bigas ng P40 hanggang P50 kada sako — katumbas naman ito ng P0.80 hanggang P1 kada kilo na pagtaas para sa mga mamimili.

Ipinaliwanag ng grupo ng mga magsasaka na Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) na ang pagtaas ng presyo ay nag-ugat sa mababang rice output ng bansa ngayong buwan at sa lumalaking global demand para sa imported na bigas.

“P2 [ang total increase], pero sa ngayon P1 ang increase. Another P1 sa tingin natin sa susunod na linggo… Factor is ‘yung farm gate price from P21, tumaas ng P21.50, tumaas pa sa P22,” ani SINAG President Rosendo So. “Imported rice from P1,800 per bag, naging P2000 per bag.”

Nanawagan ang ilang magsasaka sa gobyerno na suportahan ang mga magsasaka at magbigay ng karagdagang subsidyo para sa gasolina, at mga buto. Nagsagawa rin sila ng rally sa harap ng mga tanggapan ng DA bilang protesta laban sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Samantala, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na binabantayan nila ang presyo ng bigas.

“‘Pag dry season crop kasi eh talagang mahal po yan. Nag-aagawan po yung mga traders natin. Ito naman ay na-monitor natin at kausap lang natin yung ibang mga organization na involved dito at may sinasabi po tayo na kung tataas ang presyo, nag monitor tayo sa ating mga pamilihan… P38 pa rin po ang pinakamataas na presyo, na yan. ay normal na presyo po naman,” ayon naman kay DA Spokesperson Rex Estoperez. RNT