Presyo ng bilihin mananatiling mataas sa pagtatapos ng 2022 – DOF

Presyo ng bilihin mananatiling mataas sa pagtatapos ng 2022 – DOF

October 5, 2022 @ 1:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahan magiging mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin hanggang matapos ang 2022.

Ito ay dahil sa mas mataas na gastusin sa pagbyahe ng mga pagkain, mahinang piso kontra dolyar at epekto ng bagyong Karding.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Oktubre 5, sinabi ng Department of Finance, mananatili pa ring mataas ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.

Matatandaan na bumilis pa sa 6.9% ang inflation ngayong buwan kumpara sa 6.3% noong Agosto dahil sa mas malaking food and utility cost.

“Inflation is still seen to fall within the 4.5% to 5.5% assumption of the Development Budget Coordination Committee (DBCC) for 2022,” ayon sa DOF.

Ang year-to-date average naman ay nasa 5.1% at mula 4.5% hanggang 5.5% naman sa pagpasok ng bagong administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“To manage inflation, the continued timely implementation of government measures is crucial in mitigating the impact of persistent supply-side pressures on food and other commodity prices,” ayon sa DOF.

“The government intensifies its measures to help increase the domestic supply by ramping up local production, ensuring timely importation of goods, fertilizers, and raw materials, and improving distribution efficiency,” dagdag pa ng ahensya.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang mga natitirang buwan ng 2022 ay sesentro sa inflation sa mga pagkain.

“Food prices would most likely continue to go up,” ani Mapa.

Nauna rito, suhestyon naman ng DOF na kailangan pang mag-produce o mag-angkat ng mga basic commodities o pangangailangan.

“Given regional production and price disparities, it is equally important that these goods are efficiently distributed. The government is already looking at regions where inflation is high and which goods are driving inflation to address any bottlenecks,” anang DOF. RNT/JGC