Presyo ng bulaklak sa Dangwa nagsitaasan na

Presyo ng bulaklak sa Dangwa nagsitaasan na

February 9, 2023 @ 11:25 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bunsod ng papalapit na Valentines Day, asahan na ang pagtataas sa presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Market kung saan umaabot na sa P200-P300 ang dagdag-presyo kada bundle ng iba’t ibang klaseng bulaklak

Ayon sa mga tindero na inaasahan pang dodoble  ang presyo ng suplay na darating sa kanila sa mga susunod na araw.

Payo naman ng mga tindero sa mga nais makamura na bumili ng carnations, sunflower, lily, or stargazers ngayong araw dahil matagal ang buhay ng mga ito.

Ang pagpapaayos sa mga bulaklak ay papatak naman na ng P300-600 ngayon.

Ipinayo pa nila na maaari ring bumili ng dried flowers dahil nagtatagal kasi ang mga ito ng higit isang taon. Naglalaro ang presyo ng isang bouquet sa P700-P800, depende sa arrangement.

Sa Pebrero 12, inaasahan do-doble pa ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Market. RNT