Presyo ng bulaklak sa Dangwa nagtaasan na

Presyo ng bulaklak sa Dangwa nagtaasan na

October 28, 2022 @ 10:05 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagsitaasan na ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa flower market sa Maynila, at tataas pa ito lalo habang papalapit ang Undas, ayon sa mga tindera.

Umaabot sa P50 hanggang P100 ang naidagdag sa presyo ng ilang mga bulaklak, tulad ng Malaysian mums at orchids.

Ang ibang bulaklak ay nakaayos na na may temang tropikal. Nagkakahalaga naman ito ng P1,000 hanggang P1,500.

Hindi pa naman gumagalaw ang presyo ng mga kandila sa nasabing pamilihan.

Nasa P55 pa rin ang kada 10 piraso ng maliliit na kandila.

P65 ang anim na pirasong medium sized candle, habang P185 hanggang 350 naman ang malalaking kandila na nasa baso. RNT