Presyo ng gulay, tumaas sa ilang pamilihan sa NCR kasunod ng hagupit ni Karding

Presyo ng gulay, tumaas sa ilang pamilihan sa NCR kasunod ng hagupit ni Karding

October 3, 2022 @ 7:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tumaas ang presyo ng ilang gulay ng hindi bababa sa P20 kada kilo, kasunod ng paghagupit ni Bagyong Karding (international name: Noru), nitong nakaraang Linggo.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), binabantayan nito ang paggalaw sa presyo upang ma-evaluate ang upward movement ng presyo partikular na sa Metro Manila.

“Mayroon pong mga gumalaw na presyo, P2 sa trading post, P5, ganon, so pagdating dito sa Metro Manila, P10 to P20 ang galaw,” ani DA Undersecretary and spokesperson Kristine Evangelista nitong Linggo.

“We want to understand ‘yung ating traders bakit ganon kalaki ang patong, pati ‘yung sa retailers,” dagdag niya.

Samantala, sinabi naman ng DA na walang masyadong paggalaw sa presyo ng bigas subalit posibleng makapaapekto ang nagdaang bagyo sa mga susunod na buwan.

“Mayroon pa po tayong supply ng ating bigas. Ngayon, ang tinitignan natin, ‘yung tinamaan ngayon, ‘yan po ay para sa anong buwan dapat?” sabi ni Evangelista.

“There are studies being done right now na baka next year gumalaw. Doon natin mas mararamdaman ‘yung epekto ng bagyo,” dagdag niya.

Sa pagtataya ng DA, halos P3 bilyong damage at losses sa agrikultura ang natamo kay Karding, na nakaapekto sa ilang taniman sa northern at central Luzon. RNT/SA