Presyo ng hygiene products tumaas; noodles susunod na

Presyo ng hygiene products tumaas; noodles susunod na

January 18, 2023 @ 9:31 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Simula nitong Linggo ay sumirit na ang presyo ng ilang mga personal hygiene product, ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA).

Hindi pa natatapos dito dahil may isang manufacturer ng pagkain tulad ng pastries at instant noodles na nag-abiso na rin ng dagdag-presyo.

“Maybe they’re waiting for DTI’s (Department of Trade and Industry) comments for their request kaya February 1 ang effective date… they can move it if ‘di natuloy, I guess, they are just preparing para naabisuhan na kami,” ani PAGASA President Steven Cua.

Sa kabilang banda, sinabi namna ng DTI na wala pa silang bagong inaaprubahang dagdag-presyo.

Payo ng DTI sa mga manufacutrer na sa premium brands na lang muna bumawi dahil hindi naman kinokontrol ng gobyerno ang presyo nito.

Sa panig naman ng konsumer, pinayuhan ng DTI na pumilu na lang ng mas murang brand. RNT