Presyo ng imported red onions, P300/kilo na sa  Zambo City

Presyo ng imported red onions, P300/kilo na sa  Zambo City

November 22, 2022 @ 1:14 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tumaas ang presyo ng imported red onions dahil sa mataas na demand, na pumalo sa P300 kada kilo sa Zamboanga City.

Ito ay mula sa P260 kada kilo na presyo nitong nakaraang buwan sa mga pampublikong pamilihan sa lugar, ayon sa ulat nitong Martes.

Paliwanag ng mga nagtitinda, limitado ang suplay ng sibuyas kung kaya tumaas ang presyo nito.

Ayon sa Office of the City Agriculturist sa Zamboanga City, umakyat ang presyo ng red onions dahil sa mataas na demand lalo na at nalalapit na ang kapaskuhan.

“There are so many factors that are affecting the increases of price of bulb onion. But one thing that is really very prevalent is the supply and demand. It is obvious that the supply is really very low and the demand keeps going higher,” pahayag ni Carmencita Sanchez, pinuno ng Office of the City Agriculturist. RNT/SA