Presyo ng isda, gulay tumaas sa pagsisimula ng Mahal na Araw

Presyo ng isda, gulay tumaas sa pagsisimula ng Mahal na Araw

April 11, 2022 @ 8:39 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nagsimula nang tumaas ang presyo ng isda at gulay sa pagpasok ng Mahal na Araw, subalit bumaba naman ang presyo ng sibuyas dahil sa oversupply sa gitna ng patuloy na ani sa gulay.

Ayon sa mga nagtitinda sa lokal na pamilihan, tumaas ang presyo ng isda dahil sa kaunting mga mangingisda na pumapalaot.

Tumaas ang presyo ng isda kada kilo ng hanggang P60 sa Marikina Public Market– alumahan sa P340 mula P300, galunggong sa P280 mula P240, tulingan sa P260 mula P200, bangus sa P220 mula P200, at tilapia na nananatiling P140.

Gayundin, nagkaroon ng dagdag-presyo sa tinitindang isda sa Litex Market sa Quezon City.

Tumaas din ang presyo ng gulay kada kilo na iniuugnay ng mga nagtitibda sa pagsisimula ng Mahal na Araw.

Subalit bumaba naman ang presyo ng sibuyas dahil sa oversupply. Mula sa P120 hanggang P140 kada kio, nasa P60 kada kilo na lamang ang presyo nito sa pamilihan.

“Ang problema natin, up to May pa ‘yung ani eh. Ang presyo doon ranges from ano eh, P6 to P10 ang sibuyas. Ang problema is mababa masyado, so lugi na ‘yung mga magsasaka,” pahayag ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So nitong Linggo. RNT/SA