Presyo ng kada-piraso ng itlog papalo sa P10-P15

Presyo ng kada-piraso ng itlog papalo sa P10-P15

July 15, 2022 @ 8:35 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inaasahang aabot sa P10 hanggang P15 ang presyo ng mga itlog kada piraso sa gitna ng kakulangan ng suplay at sa banta ng bird flu, sinabi ng Egg Council of the Philippines (ECP).

Sinabi ni AGAP party-list Representative Nicanor Briones, na siya ring chairman ng grupo, na maraming retailer ang lumipat sa pagbebenta ng mga itlog sa gitna ng mga problema sa industriya ng baboy at manok.

Gayunpaman, sinabi ni Briones na nagdulot ito ng oversupply sa mga itlog na naging dahilan ng pagsasara ng ilang sakahan.

“Kaya marami ang umatras, marami nagsarado, nagbenta ng farm, nagbawas ng alaga kaya ngayon may kakulangan tayo sa supply ng itlog, kaya ang bilis ngayong tumaas,” ani Briones.

Aniya, ang banta ng bird flu ay ikinababahala din ng mga gumagawa ng itlog.

“Doon sa aming bayan sa San Jose, mayroon kaming hindi bababa sa 10 million eggs a day na hina-harvest. Kung ‘yan ay mapapasok, ang lalawagin ng Batangas, sigurado ‘yung P10 to P15 hanggang next year ay mangyayari,” dagdag pa niya.

Samantala, binanggit ni Briones na tumaas ang farmgate price ng mga itlog sa 50 centavos hanggang P2 ngayong buwan.

Ayon naman sa mga nagtitinda ng pagkain at mga nagtitingi ng itlog na wala silang pagpipilian kundi ang magbenta nito sa mas mataas na presyo dahil sa mataas na halaga ng mga itlog.

Parehong tumaas ang presyo ng mga itlog ng pugo mula P1.77 kada piraso hanggang P2 ngayong buwan. RNT