Presyo ng kamo tumaas; suplay kapos-DA

Presyo ng kamo tumaas; suplay kapos-DA

August 26, 2022 @ 8:05 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Agriculture ang kakulangan ng suplay sa kamote matapos na magtaasan din ang presyo nito sa mga palengke.

Sa palengke ng Balintawak, nagkakahalaga na ang isang kilo ng P45— mas mataas ng P20 mula sa dating P25 hanggang P35 kada kilo.

“Hindi masyadong lalaki ang kamote kapag tag-ulan. Sa ngayon, tag-ulan… talagang kulang,” ani DA Undersecretary Domingo Panganiban na sinabing noong nakaraang buwan pa bumaba ang suplay.

“Medyo kakaunti ngayon pero pagdating na ng October, November, December, hindi na apektado ‘yan dahil lalaki na. At least, mumura na ‘yan,” dagdag pa niya.

Ayon kay Panganiban, ang kamote ay nagmumula sa Central Luzon, Southern Tagalog, at Northern Luzon — ay tinamaan naman kamakailan ng Severe Tropical Storm Florita.

Sinabi niya na inatasan na niya ang Bureau of Plant Industry na mangolekta ng data kung gaano kalaki ang mga suplay para sa taong ito. RNT