Presyo ng karneng baboy, manok sa palengke pinatututukan

Presyo ng karneng baboy, manok sa palengke pinatututukan

November 20, 2022 @ 11:17 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura sa Department of Agriculture na tutukan nito ang presyo ng mga karneng baboy at manok sa mga pamilihan.

Ito ay kasabay ng nalalapit na ring holiday season na maaari umanong samantalahin ng mga nag-aangkat at nagtitinda.

Ayon sa SINAG, hindi tugma ang retail price sa mga palengke sa farmgate price naman ng karne.

‘”Yung presyo ng farmgate price so far yung manok for example nasa P108 – P110 so kung dapat ang retail price nasa P165 pero nakikita natin sa palengke mga P185,” sinabi ni SINAG chairman Rosendo So sa panayam ng TeleRadyo.

“Hindi mo mapababa ang retail pero ang farmgate yan ang sinasabi nating dapat tutukan ng DA para at lieast hidni masayang. Hindi maga-translate ang farmgate prce ng baboy nasa P170 to P180. Sa retail dapat P280 pero umaabot na ng P300,” dagdag pa niya.

Sa usapin naman ng presyo ng bigas, sinabi rin ng SINAG na mayroon silang programa ng National Food Authority upang mapamura ang presyo ng bigas sa merkado kung saan nabibili umano nila ng nasa P19 hanggang P20 kada kilo ang palay sa mga magsasaka. RNT/JGC