213 lindol yumanig sa Bulkang Bulusan; biglaang pagsabog ibinabala

June 30, 2022 @8:25 AM
Views:
6
MANILA, Philippines – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules ang pagtaas ng aktibidad sa Bulkang Bulusan.
Sa advisory na inilabas alas-5 ng hapon, sinabi ng Phivolcs na 213 volcanic earthquakes ang naitala mula alas-5 ng umaga ng Hunyo 24.
Pinakamalakas sa mga lindol na ito ang nagdulot ng paggalaw o pagsabog ng magma mula sa bulkan ay magnitude 3.5 na naitala dakong 11:27 p.m. noong Hunyo 24. Ang lindol na ito ay naramdaman sa Intensity III sa mga munisipalidad ng Irosin at Bulusan, Sorsogon.
Sa 1:39 p.m. Miyerkules, naitala din ang magnitude 2.3 na imperceptible (not felt) volcanic quake.
Nagbabala ang Phivolcs sa posibilidad ng panibagong eruptive activity mula sa Bulusan summit at posibleng mula sa mga lagusan ng mga southern side nito.
Ang bulkan ay nasa ilalim pa rin ng Alert Level 1 (low-level unrest).
Ang mga nakatira sa loob ng mga lambak at sa tabi ng mga daluyan ng ilog/sapa, lalo na sa timog-silangan, timog-kanluran at hilagang-kanlurang mga dalisdis ng edipisyo ng bulkan, ay dapat maging mapagbantay laban sa mga daloy na puno ng sediment at lahar sa panahon ng malakas at matagal na pag-ulan.
Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang mga local government units at ang publiko na ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ay dapat na mahigpit na ipinagbabawal, at ang pagbabantay sa 2-kilometer extended danger zone sa Southeast sector ay dapat isagawa dahil sa pagtaas ng posibilidad ng biglaang at mga mapanganib na phreatic eruptions. RNT
Pagbomba sa mataong shopping center sa Ukraine, kinondena ng Santo Papa

June 30, 2022 @8:10 AM
Views:
11
UKRAINE – Tinawag ni Pope Francis noong Miyerkules ang pambobomba sa isang mataong shopping center sa lungsod ng Kremenchuk na pinakahuling sunod-sunod na “barbarous attacks” laban sa Ukraine.
Sinabi ng Ukraine na hindi bababa sa 18 katao ang napatay at humigit-kumulang 60 ang nasugatan noong Lunes ng isang missile strike ng Russia .
Sinabi ng Ministry of Defense ng Russia na natamaan nito ang isang lehitimong target ng militar sa lungsod, at hindi ginagamit ang shopping center.
“Every day, I carry in my heart dear and martyred Ukraine, which continues to be flagellated by barbarous attacks like the one that hit the shopping center in Kremenchuk,” sinabi ng Santo Papa sa St. Peter’s Square sa Kapistaham ng St. Peter and Paul.
“I pray that this mad war can soon end and I renew my appeal to persevere without tiring in praying for peace.
“May the Lord open the those paths to dialogue which men either do not want or not able to find. May they not neglect to help the Ukrainian population, which is suffering so much,” sabi ng Kanyang Kabanalang Francisco. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Reklamo ng Pinas sa live fire drills sa Ligaw islands, sinagot ng Taiwan

June 30, 2022 @7:55 AM
Views:
22
MANILA, Philippines – Sinagot ng Taiwan ang pagpalag at reklamo ng Pilipinas ukol sa live fire drills sa paligid ng Taiwan-controlled island deep sa South China Sea.
Para sa Taiwan, may karapatan silang gawin ito at palagi naman silang nagpapalabas ng warning o babala kapag nagsasagawa ng kanilang exercises o pagsasanay.
Sa naging mensahe ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas sa Twitter, araw ng Martes, ipinahayag nito ang matinding pagtutol sa aktibidad na itinuturing nitong ilegal.
Ipinahayag ng Pilipinas ang pagtutol nito sa mga ilegal na aktibidad na ginagawa at kasalukuyang ginagawa ng Taiwan gaya ng “unlawful live fire drills” sa paligid ng isla, o mas kilala bilang Itu Aba.
Sa petsang Hunyo 28 hanggang 29, sa paligid ng Ligaw Islands, sinabi ng DFA na ang aktibidad ay nakapagdudulot ng pag-aalala at ginagawang komplikado ang nasabing lugar.
Tinawag ng Taiwan ang nasabing isla bilang island Taiping habang Ligaw Island naman ang tawag dito ng Pilipinas.
Giit ng departamento, ang isla ay pag-aari ng Pilipinas.
“This illegal activity raises tensions and complicates the situation in the South China Sea,” ayon sa DFA.
Para sa Pilipinas, labag sa batas ang ginawang live fire drills ng Taiwan sa Ligaw Island na sinasabing nagpataas ito ng tensyon sa South China Sea sa Spratlys Island.
Ang Ligaw Island ay parte ng Kalayaan Island Group kung saan ang Pilipinas ang siyang may karapatan sa soberenya.
Sinabi naman ng foreign ministry ng Taiwan sa isang kalatas na ang isla ay bahagi ng teritoryo ng Republic of China – pormal na pangalan ng Taiwan at ginagawa lamang ng mga ito ang mga bagay na naaayon sa international law.
“Our country has the right to conduct routine exercises on Taiping Island and related maritime areas. In order to ensure the safety of maritime traffic and fishing boats operating in adjacent maritime areas, we notify the relevant regional countries in advance before each live-fire drill,” ayon dito. Kris Jose
Beteranong banker, pinili ni Marcos na GSIS chief

June 30, 2022 @7:40 AM
Views:
17
MANILA, Philippines – Pinili ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’ si veteran banking executive Jose Arnulfo “Wick” Veloso para pamunuan ang Government Service Insurance System (GSIS) sa ilalim ng incoming administration.
Si Veloso ang kauna-unahang Filipino CEO para sa HSBC Philippines, kung saan siya nagtrabaho ng 23 taon simula 1994.
Taong 2018, pinalitan niya si Reynaldo Maclang bilang pangulo ng Philippine National Bank (PNB).
Sa tatlong dekadang karanasan sa “banking and capital markets sectors,” si Veloso ay naging pangulo ng Bankers Association of the Philippines (BAP).
Si Rolando Macasaet ang kasalukuyang pangulo at general manager ng GSIS, social insurance institution para sa mga empleyado ng gobyerno. Kris Jose
Pagkalat ng monkeypox ‘di mapigilan; WHO naalarma

June 30, 2022 @7:26 AM
Views:
18