Presyo ng LPG bababa pa – DOE

Presyo ng LPG bababa pa – DOE

June 10, 2022 @ 7:28 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahang bababa ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa mga susunod na buwan, sabi ng Department of Energy (DOE).

Sinabi ng DOE na may indikasyon ng rollback ng presyo dahil sa mahinang demand sa pandaigdigang merkado, partikular sa Europe, United States, China, Mexico, South Korea, at Japan.

Noong Hunyo 1, 2022, tinatayang nasa P879.20 hanggang P1,107.09 kada 11-kilogram na cylinder ang mga presyo ng household LPG sa Metro Manila, ayon sa datos ng DOE.

“Ang susunod po para sa July, malalaman natin around June 30. ‘Yung trend ng price ang kaya nilang i-project, pero hindi ‘yung amount,” ani DOE Director Rino Abad.

Gayunpaman, sinabi ng departamento na ang presyo ng LPG ay makikitang tumaas muli sa Oktubre bago ang panahon ng taglamig sa hilagang hemisphere.

“Diyan bumabalik ‘yung surge ng demand dahil nagpiprepare naman ‘yan sa winter time from December up to March,” dagdag pa ni Abad. RNT