Presyo ng LPG may rollback ngayong Sept. 1

Presyo ng LPG may rollback ngayong Sept. 1

September 1, 2022 @ 8:46 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Good news ang bubungad sa mamimili sa unang araw ng Setyembre dahil sa pagbaba nng presyo ng LPG.

Sa isang abiso, inihayag ng Petron Corporation na magpapatupad ito ng P1.75 kada kilo na bawas presyo sa kanilang household LPG, simula alas-12:01 ng umaga noong Setyembre 1.

Ang Solane ay magbawas sa presyo ng LPG ng P1.62 kada kilo, simula alas-6 ng umaga.

Ibinababa rin ng Phoenix Petroleum ang presyo ng LPG nito ng P1.75 kada kilo, simula 12:01 a.m.

Kasabay nito, ang Petron at Phoenix ay magpapatupad ng mga rollback ng presyo sa Auto LPG ng P0.98 kada litro at P0.95 kada litro, ayon sa pagkakasunod.

Ang datos ng Department of Energy ay nagpakita ng mga retail na presyo para sa isang 11-kilogram na tangke ng LPG sa bahay na mula P838 hanggang P1,024. RNT