Presyo ng LPG, tumaas!

Presyo ng LPG, tumaas!

November 2, 2022 @ 7:52 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagtaas-presyo ang mga liquefied petroleum gas (LPG) products sa pagsisimula ng buwan ng Nobyembre.

Ito ay makalipas ang anim na sunod na buwan ng rollback.

Sa abiso, sinabi ng Petron Corp. na tumaas ng P3.50 kada kilo ang presyo ng LPG products samantala ang AutoLPG naman ay nadagdagan ng P1.96 kada litro na naging epektibo kagabi, Nobyembre 1.

“These reflect the international contract price of LPG for the month of November. Price freeze will be implemented in areas under State of Calamity,” pahayag ng kompanya.

Ang taas-presyo ay kasunod ng price cuts nitong Oktubre na nagpahaba ng pababang presyo ng LPG products mula nitong Mayo.

Sa pinakahuling ulat naman ng Department of Energy (DOE), ang retail prices ng isang 11-kilogram cylinder sa Metro Manila ay nasa P786.95 hanggang P971.95 nitong Oktubre. RNT/JGC