Presyo ng sibuyas sinadyang minanipula-DA

Presyo ng sibuyas sinadyang minanipula-DA

January 10, 2023 @ 10:51 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na tinitingnan din nito ang price manipulation bilang isa sa mga dahilan ng mataas na halaga ng sibuyas sa mga pampublikong pamilihan.

Sa panayam sa GMA News, sinabi ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez na nakatanggap siya ng mga ulat na may ilang “negosasyon” na nangyayari sa Moncada, Tarlac at Bongabon, Nueva Ecija kung saan ang mga ahente ay nagbebenta ng mga nakatayong pananim ng sibuyas sa pinakamataas na bidder.

“At P350… i-times two mo ‘yan, papunta sa traders hanggang sa retailers, P700 pa rin. Kung mababa ang presyo sa ating mga farm gates, sana matanggap natin itong pagtaas ng presyo doon sa ating mga traders,” aniya.

“Pero ‘yung manipulation, pumapasok ho do’n sa ano eh… Ito ang pagkukulang ng Department of Agriculture, ‘yung sa supply chain. ‘Yung may ahente na, may traders pa. Ang sasabihin nila na kulang ang gastos nila sa pag-transport ng sibuyas from the production area to the market. Mukhang ‘yun ang malaki po,” dagdag pa ng opisyal.

Sinabi ni Senador Cynthia Villar nitong Lunes na maaaring isang kartel ang nasa likod ng mataas na presyo ng mga sibuyas sa mga lokal na pamilihan, na binanggit ang pagsisiyasat noong 2013 na nagpakita na mayroong kartel ng sibuyas na may “kumpletong kontrol” sa suplay sa bansa. RNT