Presyo sa ilang supermarket items lumobo ng 10%

Presyo sa ilang supermarket items lumobo ng 10%

November 17, 2022 @ 6:03 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tumaas ng mahigit 10% ang presyo ng ilang mga produkto sa mga supermarket ngayong linggo ayon sa Philippine Amalgamated Supermarket Association.

Ayon kay Steven Cua, pinuno ng nasabing organisasyon, kabilang sa nakakita ng malaking pagtaas sa presyo ay ang kape at creamer.

“Gumagalaw pa rin ngayon as we speak, and ang daming nagtaas, more than 10 percent ang itinaas ng mga items. Ten percent sa presyo, selected items. […] May coffee, may creamer, more than 10 percent ang itinaas,” pahayag ni Cua nitong Miyerkoles, Nobyembre 16 sa panayam ng TeleRadyo.

Dagdag pa, posibleng tumaas pa ang presyo ng ilang mga bilihin habang papalapit ang Pasko.

Dahil dito ay nagbigay ng payo si Cua upang makatipid sa kabila ng mabilis na inflation sa bansa.

“Bilang consumer you have to be creative, business people are trying to be creative so for us to be able to survive during this difficult times, same with the buyers, with the consumers,” paliwanag ni Cua.

“You have to review your buying patterns, the way you buy things huwag nyo sabihing dati kasya ba’t ngayon hindi na kumakasya. Think of others, dishes you can prepare –which we are the stores suggesting imbes na hamon, you can prepare, again we don’t wanna sell less hamon that’s not idea but the idea is for those who cannot afford,” dagdag pa niya.

Samantala, nagbigay naman ng suhestyon ang pinuno ng PASA sa Department of Trade and Industry na ipakilala ang mga produktong hindi nagtaas ng presyo upang matangkilik ng mga mamimili.

“I suggested to DTI na if i were them, and to promote these items, to promote these items and say that these items have not increased, so show the government has that something.”

Matatandaan na sa ulat, umabot sa 7.7% ang inflation sa buwan ng Oktubre na pinakamataas sa loob ng halos 14 na taon. RNT/JGC