PRETTY BOY GOYO

PRETTY BOY GOYO

June 27, 2022 @ 8:27 PM 1 month ago


Ang langgam nga naman, dumarayo kung saan may pulot pukyutan. Ito po ang kwento sa nagbabadyang umpugan sa pagitan ng mga Muslim na agresibong nagsulong sa kandidatura ng tinaguriang Bad Boy ng Pelikulang Pilipino at isang kasador ng senador na kilalang super-close sa paretirong Pangulo.

Ang kwento ng ating ka¬≠sangga, umuusok sa galit ang mga Muslim. Kasi, ang mga Muslim ang nagsakripisyo pero nu‚Äông mag-number one¬† si Bad Boy¬† Senator-elect Robin Padilla, iba na ang bumabakod… si Pretty Boy Goyo.

Ano nga ba ang ikinaga¬≠galit ng mga Muslim kay ‚ÄúPretty Boy Goyo?‚ÄĚ Anila, ‚Äėdi na sila makadirekta kay Padilla. Lahat kailangang dumaan sa bakod ang mga kukuning tao sa tanggapan ni Senator-elect Padilla, consultants, pati budget ng opisina at iba pa.

 Ano ba si Pretty Boy Goyo sa Senado? Isa ba siyang ta­gahawi, tagasala o sadyang epal lang?

Ang totoo, wala naman masama sa pagpapairal ng tinawag na protocol. Bukod sa seguridad, bentahe rin sa ilalim ng mga umiiral na protocol ang kaayusan sa isang tanggapan ng pamahalaan kesehodang ehekutibo, lehislatura o hudikatura.

Pero ang pakialaman ang lahat, tila ito ay kalabisan na­man. Katunayan, maski consultants sa gobyerno, limita-do lang ang saklaw ng mandato. May consultant for poli­tical affairs, for media affairs, business development, usa­ping ligal lalo pa’t umiikot sa pagbalangkas ng batas ang trabaho nitong si Robin Padilla sa Senado.

Well sa aking ginawang pananaliksik, may nakapag- bulong sa akin na sabit din pala si Pretty Boy Goyo sa isang ahensya ng gobyerno,  ang Philippine Information Agency (PIA). Pero ang mga nakapwesto sa naturang ahen-sya ng gobyerno, tikom ang bibig. Bakit kamo?

Kasi nakasandal sa pa­der ang alanganing damuho.

Ang masaklap pa rito, mga tsong, ginagamit pa ni Pretty Boy Goyo ang pangalan ng mga senador sa kanyang mga diskarteng bulilyaso tulad ng mga transaksyong ka­lakip sa pondo ng bawat senador. Ang kanyang diskarte, mag­pasok ng kontratista kapalit ang bonggang ganansya sa mga proyekto’t programa.

Pero, mga igan, sa gitna ng gitgitan kontra-Muslim na tagasuporta ni Padilla, ano ba ang kanyang mahihita? Pera palit pwesto? Hindi naman si­guro o baka higit pa!

PASUGALAN SA CAVITE LALONG DUMARAMI

Uy, ang balita ko, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang operasyon ng iligal na pasugalan ni Emily sa Buhay na Tubig sa Cavite na naka­pagtataka kung bakit hindi kumikilos at hindi hinuhuli ni Cavite PLTCOL. Marlon Santos.

Hindi kaya nagkakaroon si hepe kaya siya nagbubulag-bulagan?

Paging: PNP chief Gen. Vicente Danao, Sir, hindi pa natatapos ang gusot sa pinasukan ninyo.

Heto na naman ang mga bata mo na sangkot sa pa­ngungunsinti sa iligal na pasugalan sa lalawigan ng Cavite, lalo na sa Buhay na Tubig sa Cavite City.

Aksyon, mga bosing!

o0o

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 0926¬≠6719269 o email sa juande¬≠[email protected] o juande¬≠[email protected]