‘Preventive suspension’ ikinasa ng SC vs Gadon sa pagmumura sa viral video

‘Preventive suspension’ ikinasa ng SC vs Gadon sa pagmumura sa viral video

January 4, 2022 @ 6:36 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Iniatas ng Supreme Court ang preventive suspension ni Atty. Larry Gadon kaugnay ng viral video kung saan minura niya ang mamamahayag na si Raissa Robles.

Ayon sa SC Public Information Office, kaagad na epektibo ang preventive suspension ni Gadon hanggang isawalang-bisa ng Korte.

Sinabi rin ng SC kay Gadon na ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat ma-disbar kaugnay ng viral video. Sa inilabas na resolusyon nitong Martes, binigyan siya ng 10 araw para maghain ng tugon. RNT/SA