Prexy aspirants sa tentative list ng Comelec para sa Halalan 2022, 10 na lang

Prexy aspirants sa tentative list ng Comelec para sa Halalan 2022, 10 na lang

January 11, 2022 @ 6:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inalis ng Commission on Elections (Comelec) ang isang presidential aspirant sa tentative list ng mga kandidato para sa Halalan 2022, nitong Martes.

Tinanggal si independent presidential bet Gerald Arcega mula sa updated tentative list of candidates ng Comelec para sa national at local elections sa Mayo 2022.

Samantala, nananatili naman sa siyam ang bilang ng vice presidential aspirants habang 64 pa rin ang nasa listahan ng mga kakandidatong senador.

Wala pang pahayag ang Comelec kung kailan nito ilalabas ang opiyal na listahan ng mga kandidato. RNT/SA