Pribadong sektor, payagan nang direktang bumili ng COVID vax – Velasco

Pribadong sektor, payagan nang direktang bumili ng COVID vax – Velasco

December 15, 2021 @ 10:10 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nais ni House Speaker Lord Allan Velasxo na rebyuhin ang polisiya sa COVID-19 vaccine procurement upang mapayagan na ang private sector na direktang bumili ng bakuna sa mga manufacturer.

Ang suhestyon ni Velasco ay bunsod ng pagkakaroon na ng sapat na suplay ng COVID-19 vaccines hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo.

“Since there is now ample supply of safe and effective COVID-19 vaccines globally, it is time that the national government consider allowing the private sector to deal directly with manufacturers to ensure a more sustainable and dependable supply of life-saving vaccines for Filipinos,” paliwanag ni Velasco.

Sa ilalim kasi ng  Republic Act 11525 o the COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, ang  private companies at local government units (LGUs) ay pinapayagan lamang na bumili ng bakuna sa pamamagitan ng pagpasok sa isang tripartite agreement sa pagitan ng  manufacturers at national government.

Ani Velasco, na siyang may akda ng  RA 11525 sa House of Representatives na handa siyang amyendahan ang nasabing batas para ang mga private companies ay direkta nang makabili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado at pamilya nito.

Bukod pa rito ay pabor din siya na ang ibang responsibilidad para sa  COVID-19 vaccination program ay mailipat na din mula sa national government patungo sa LGUs.

Naniniwala si Velasco na sa ganitong paraan ay mababawasan ang proseso sa pagbili ng bakuna at mas matututukan ang programa.

“By granting the private sector greater participation in the vaccination campaign, the government can focus its resources on the inoculation of frontliners, uniformed personnel and vulnerable sectors,” ani Velasco.

“The amount the government will save  can be channeled to efforts to help economic recovery post-pandemic,” dagdag pa niya.

Giniit pa ni Velasco na mapapadali ang vaccine rollout kung magiging katuwang na ang pribadong sektor.

Samantala inatasan ni Velasco ang Department of Health na ihayag sa publiko kung gaano katagal ang makukuhang immunity sa bawat bakuna, aniya, sa ganitong paraan ay malalaman ng publiko kung kailangan na nila ng booster shots.

“They should inform the public how long a certain vaccine brand lasts so that people would know when they get a booster or get inoculated again,” pagtatapos pa ni Velasco. Gail Mendoza