Price adjustment sa produktong petrolyo kasado na sa Martes

Price adjustment sa produktong petrolyo kasado na sa Martes

May 30, 2022 @ 1:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang itaas ng oil firms ang presyo ng diesel at kerosene ngayong linggo, habang magkakaroon naman ng rollback sa presyo ng gasolina.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na ibababa ang presyo ng gasolina kada litro ng P1.70, habang magtataas ang presyo ng diesel ng P1.20 at kerosene ng P2.45.

Ipatutupad din ng Cleanfuel at Petro Gazz at parehong pagbabago maliban sa kerosene.

Epektibo ang price adjustments simula alas-6 ng umaga sa Martes, sa lahat ng kompanya maliban sa Caltex na ipatutupad ang adjustment ng alas-12:01ng madaling araw at Cleanfuel ng alas-8:01 ng umaga sa parehong araw.

Hindi pa nag-aanunsyo ang ibang kompanya ukol sa price adjustment sa produktong petrolyo. JAY Reyes