Price cap sa antigen tests, self-administered test kits pinababa pa ng DOH

Price cap sa antigen tests, self-administered test kits pinababa pa ng DOH

February 8, 2022 @ 2:29 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pinababa pa ng Department of Health (DOH) ang price cap sa antigen testing services at self-administered antigen test kits.

Sa ilalim ng Department Circular 2021-0323-B, pinababa ng DOH ang presyo ng antigen rapid diagnostic test kit sa P350 na dating P500.

Habang ang antigen testing service ay nagmura rin sa P660 mula sa P960.

“Antigen rapid diagnostic test kits subsidized or donated by the DOH and other government agencies to DOH licensed public and private health facilities and clinical laboratories shall be provided at zero cost to individuals.”

Habang iginiit din ng DOH na ang DOH-licensed health facilities at clinical laboratories ay maaaring mas magbaba pa ng base sa prescribed price cap.

Maaalalang inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang dalawang self-administered COVID antigen test kits partikular na ang Abbott at Labnovation Technologies, Inc.

Epektibo naman ang naturang price cap mula Linggo, Pebrero 20. RNT/FGDC