Price freeze ikinasa sa Dingalan, Aurora

Price freeze ikinasa sa Dingalan, Aurora

September 27, 2022 @ 8:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Agad na iniatas ng Department of Trade and Industry ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa Dingalan, Aurora.

Ito ay matapos magdeklara ang nasabing lokal na pamahalaan ng state of calamity dahil sa epekto ng Bagyong Karding, ayon sa isang opisyal ng Trade department.

“Dingalan in Aurora has already declared a state of calamity so we’re implementing the automatic price freeze for all basic necessities enumerated in the Price Act,” ani Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo.

Matapos ang unang pag-landfall nito sa Quezon noong Linggo ng hapon, nag-landfall si “Karding” sa Dingalan dakong 8:20 p.m.

Si Karding ang ika-11 tropical cyclone na pumasok sa bansa ngayong taon. RNT