Price freeze ipinaalala ng DTI

Price freeze ipinaalala ng DTI

November 22, 2020 @ 4:47 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry ang mga negosyo sa umiiral na price freeze sa buong Luzon matapos ideklara ni Pangulong Duterte ang state of calamity.

Hinimok din ng DTI ang mga mamimili na tingnan ang price freeze bulletin sa website ng departamento.

Binalaan din nito ang mga mananamantala na maaaring makulong nang hanggang 10 taon o multang aabot sa P1 milyon.

“The DTI is closely coordinating with the manufacturers of basic necessities and prime commodities to ensure the availability and the continuous replenishment of these goods especially in the heavily affected areas,” pahayag ni DTI Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo.

Sa ilalim ng Republic Act 7581 o ang Price Act, ang DTI ang magbabantay ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng mag de late, instant noodles, bottled water, tinapay, gatas, kape, kandila, sabong panlaba, deterget, at asin.

Habang ang presyo ng pangunahing gamot at medical supply ay babantayan ng Department of Health habang ang Department of Energy sa LPG, at kerosene.

Hinihimok din ng DTI na isumbong sa kanilang tanggapan ang mananamantala sa One-DTI (1-384) o sa email via ConsumerCare@dti.gov.ph. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...