Price hike sa produktong petrolyo inaasahan sa isang linggo

Price hike sa produktong petrolyo inaasahan sa isang linggo

December 12, 2021 @ 9:12 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa prediksyon ng Unioil Petroleum Philippines, kasunod ng serye ng rollbacks.

Batay sa fuel price forecast nito para sa Disyembre 14 hanggang 20 trading week, sinabi ng Unioil na maaaring tumaas ang presyo kada litro ng diesel ng P1.30 hanggang P1.40.

Samantala , maaari namang umakyat ang presyo ng gasolina mula P1.40 hanggang P1.50 kada litro.

Karaniwang inaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo tuwing Lunes at ipinapatupad naman kinabukasan ng umaga.

Matatandaang sa nakaraang limang linggo ay sunod-sunod ang tapyas sa presyo ng mga naturang produkto. RNT/SA