‘Price manipulation’ sa sibuyas pinaiimbestigahan

‘Price manipulation’ sa sibuyas pinaiimbestigahan

January 5, 2023 @ 6:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isang resolusyon ang inihain sa Kamara ng Makabayan Bloc na humihiling na imbestigahan ang posibleng nangyayaring price manipulation sa presyo ng sibuyas sa merkado na ngayon ay umabot na sa P800 kad akilo.

“There are reasons to believe that there is an ongoing control and manipulation of onion prices from farmgate to market retail by big traders who store onions in cold storage warehouses,” nakasaad sa House Resolution No. 673 na inihain nina Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers Partylist Rep. France Castro atKabataan Partylist Rep. Raoul Manuel.

Giit ng Makabayan Bloc dapat nang kumilos ang mga mambataas at imbestigahan ang nangyayaring pagtaas ng presyo ng sibuyas na mas higit pa ang presyo kaya sa arawang minimum wage ng mga manggagawa na nasa P570.

Saprice monitoring ng Department of Agriculture ang pulang sibuyas ay umaabot sa ₱280 hanggang ₱650 kada kilo habang ang puting sibuyas ay ₱400 hanggang ₱600.

Ang nasabing presyo ay higit sobrang taas kumpara sa farmgate per-kilo price na ₱25 hanggang ₱27.

“Such huge discrepancy indicates potential price manipulation which makes onions more expensive. Aside from that, smuggling and over-importation of onions remain major problems, which also severely affect local supply and prices.”giit pa ng mga mambababatas.

Samantala, iginiit ng Makabayan Bloc na may pananagutan si Pangulong Bongbong Marcos sa kabiguan nitong tugunan ang problema sa paglobo ng presyo ng sibuyas bulang sya ang Kalihim ng DA.

Umapela ito sa Malacanang na tugunan ang problema lalo at kakaonti lamang ang nahuhuli na mga nag-smuggle ng sibuyas.

Kaparehas na resolusyon ang naihain sa Senado ni Senator Imee Marcos. Gail Mendoza