Price monitoring data sa Noche Buena items inilabas ng DTI

Price monitoring data sa Noche Buena items inilabas ng DTI

November 23, 2022 @ 9:49 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na naglabas na ang kanyang ahensya ng datos na nakalap sa kanilang monitoring sa mga Noche Buena items habang papalapit ang Pasko.

“Prices of raw materials have gone up and we need to recognize that. But we try to mitigate the amount of increases. I think that is what our role is. Make sure the requested increases are reasonable,” sinabi ni Pascual nitong Martes, Nobyembre 22.

Ipinaliwanag naman niya na ang listahan ay walang suggested retail prices kundi impormasyon sa presyo ng mga Noche Buena products na makikita sa merkado.

“There are not suggested retail prices. We just documented the going prices for the Noche Buena goods so consumers will be guided. You present the lowest price available, so they know they can find suppliers or stores with that kind of pricing,” aniya.

Sinabi ni Pascual na ang mga imported goods o mga produkto na malayo ang pinagmulan ang mas may matataas na presyo.

Sa kabila nito, nanawagan naman siya sa mga manufacturers na maging makatao sa pagtatakda ng presyo.

“I met with the food manufacturers a few weeks back. I explained to them how I look at pricing. If a manufacturer produces a range of products that cater to various income classes of society, they can distribute the contributions to overhead and profit across, not uniformly, percentage terms, so that the burden on the goods that are for the low income families will bear a smaller part and the goods, premium brands for the same product line, could carry heavier share of the burden for overhead and profit,” ani Pascual.

“Alam mo naman, during this period, may mga extra pay. May 14th month pay, merong bonuses. Kakayanin, tingin ko,” dagdag niya. RNT/JGC