Pringle, tinanghal na Player of the Week

Pringle, tinanghal na Player of the Week

June 20, 2018 @ 1:43 PM 4 years ago


Nakamit ni Fil-American guard Staley Pringle ang kaniyang unang Cignal- PBA Press Corps Player of the Week award matapos siyang magpakita ng kakaibang performance sa naitalang panalo ng GlobalPort laban sa defending champion na San Miguel Beer.

Nagkapagtala si Pringle ng all-around numbers na 22 points, 8 rebounds, 5 assists at 3 steals, para matalo ang Batang Pier sa 98-94 panalo kontra Beermen nitong Miyerkules.

Kagagaling pa lamang ni Pringle sa katatapos na FIBA 3×3 World Cup bilang kinatawan ng Pilipinas kung saan siya ay rumatsada sa final period at umiskor ng walong puntos, dalawang rebound at isang krusyal steal na nagbigay daan kay Mo Tautuaa na nagsalba sa kanila sa patas na markang 4-4.

Kasalukuyang nasa panglimang puwesto ang GlobalPort katabla ang SMB at nakatakdang kalabanin ang Phoenix mamayang 4:30 ng hapon sa Araneta Coliseum.

Inangatan ni Pringle para sa lingguhang citation sina sina Meralco guard Jared Dillinger at KG Canaleta, Rain or Shine sniper James Yap at big man Beau Belga at Ginebra playmaker LA Tenorio. (Remate News Team)

Photo courtesy to PBA