Printed National ID, kilalaning valid ID ng Pinoy – PSA

Printed National ID, kilalaning valid ID ng Pinoy – PSA

February 15, 2023 @ 7:04 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dapat kilalaning valid ID ang temporary ID o ePhilID ng bawat Filipino na pansamantalang gumagamit nito habang wala pa ang kanilang National ID mula sa PhilSys.

Ito ang paki-usap ni Christadel Andres, Statistical analyst ng Philippine Statistic Authority – Bulacan sa isang panayam ng Remate kasabay ang pagdiriwang ng National Civil Registration Month ngayon buwan ng Pebrero.

Aniya, dapat tanggapin ito ng mga establisimento na nangangailangan ng Valid ID ng publiko gaya ng mga remittance center at iba pa.

“Pinakikiusapan po namin ang mga establishments na kapag sa mga taong napi-present ng ePhilID o temporay ID ay maaring tanggapin niyo po, kasi po, yun ay valid,” ani Andres, habang wala pa ang National ID ng mga ito.

Sinabi pa niyang ongoing ang pagsasagawa ng National ID at anumang araw ay posibleng mapasakamay ng mga nagparehistro o may mga ePhilID o temporary ID na natanggap na.

Hinggil sa paggamit sa masama at sa iligal na paggaya umano sa Recto ng mga ID, ganito ang saad niya:

“Isa po sa mga Biometrics po nilalagay po natin dun, tsaka ini-establish din po yung QR code na kapag ini-scan po siya ay makikita na rin po ang kanyang info.” Dick Mirasol III