Printing Office ng bansa walang printing services- Angeles

Printing Office ng bansa walang printing services- Angeles

September 3, 2022 @ 12:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Walang capital outlay o pondo para sa pagbili ng capital assets gaya ng equipment ang National Printing Office(NPO) dahil wala itong prinring services.

Ito ang ginawang pag-amin kahapon ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa budget hearing matapos tanungin ni ACT Teachers Partylist Rep France Castro kung hindi ba umaangal ang Office of the President(OPS) dahil walang capital outlay at maintenance and other operating expenses(MOOE) ang National Printing Office(NPO) sa ilalim ng 2023 national budget.

Bilang tugon sinabi ni Angeles na ang NPO ay walang sariling printing press at ang pag-iimprenta ay ginagawa sa labas.

“May NPO po tayo, na walang printing press. Kaya ina-outsource natin yung pag-imprenta ng mga government forms. And for purposes of security, medyo delikado ‘to lalong lalo na kung balota na yung pini-print natin”paliwanag ni Angeles.

Sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 285 ang NPO ay may mandato na magbigay ng printing services sa mga government agencies.

Bunga nito, umapela si Angeles sa Kamara kung mabibigyan ng pondo ang NPO para pagbili ng printing machines.

Ang budget ng NPO sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program(NEP) ay P473M, mababa ito sa 2022 budget na P840 million. Gail Mendoza