Printing shop na may magic COVID-19 test result sinalakay; singil P25 lang

Printing shop na may magic COVID-19 test result sinalakay; singil P25 lang

July 24, 2020 @ 8:30 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinalakay ang isa umanong printing shop na nag-iimprenta ng pinekeng coronavirus disease o COVID-19 test result, ayon sa ulat.

Napag-alaman na sa halagang P25 ay magkakaroon ka na ng COVID-19 rapid test results kung saan pinapalitan lamang ang pangalan at edad.

Depensa ng nabisto, pina-edit lamang ito sa kanila.

Sinabi rin ng babae na P25 lang ang siningil niya sa lalaki para sa pag-edit.

Agad namang humingi ng paumanhin ang printing shop at nangakong hindi na uulitin.

Samantala, nagbabala naman si coronavirus testing czar Vince Dizon sa mga magdudoktor ng COVID-19 test results.

“Hindi po pupuwedeng mameke ng resulta, hindi puwedeng magbago ng resulta. Mabigat po ang magiging penalties para sa ganiyang mga violation kaya nanawagan tayo sa ating mga kababayan, ‘wag na ‘wag po nating gagawin ‘yan,” paalala ng opisyal. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...