Priority bills na tutukan ni Speaker Arroyo, inisa-isa

Priority bills na tutukan ni Speaker Arroyo, inisa-isa

July 25, 2018 @ 3:45 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inilatag na ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa mga kaalyadong kongresista ang mga priority bills na kanilang tututukan na naayon din sa hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang salo-salo kasama ang mga kaalyadong PDP-Laban Congressmen, sinabi ni Arroyo na pangunahin nilang ipapriyoridad ay ang Coconut Farmers Fund, National Land Use Act  na kapwa aprubado na ng Kamara at nasa Senado at ang pagbuo ng Department of Disaster Management.

Ang Department of Disaster Management ay nakabinbin na sa Technical Working Group kaya iniutos ni Arroyo na paspasan ang trabaho dito at pinagsusumite na nya ng report ang komite na may hawak nito.

Bagamat prayoridad din ang Charter Change sinabi ni Arroyo na nasa Senado ang bola nito.

Binigyan din ito ng direktiba ang ga kongresista na aksyunan ang mga legislative agenda na binanggit ni Pangulong Duterte.

 

WORK ETHIC

Si Ginang Arroyo ay kilala sa pagkakaroon ng agresibong work ethic subalit sinabi nito na hindi niya hangad na tapatan din ito ng mga mambabatas ng Kamara, aniya, naiindintihan niya na may kanya-kanyang work ethics ang mga mambabatas at hindi na niya ito pakikialaman, aniya, ang mahalaga ay ang resulta ng trabaho o output kung saan dapat natatapos ng mga kongresista ang mga trabaho na dapat nilang gawin.

“each one has its own work ethic the important thing is the output” pahayag ni Arroyo.

Sinabi ni Arroyo na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay dalawa lamang naman ang kanyang target, una ay magawa ang mga legislative agenda ng administrasyon at ikalawa ay matulungan ang mga kongresisya sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga constituents. (Gail Mendoza)