Priority projects ng DOST, DENR  tinalakay sa Cabinet meeting – Malakanyang

Priority projects ng DOST, DENR  tinalakay sa Cabinet meeting – Malakanyang

August 31, 2022 @ 8:38 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinalakay sa Cabinet meeting ang mga priority project ng  Department of Science and Technology (DOST) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang priority programs ng DoST ay  kinabibilangan ng paglikha ng  technology-based enterprises; hanapbuhay para sa regional development; food security at resilience; health security; water security at environmental protection; at enerhiya.

Tinalakay naman ng DENR ang  water security dahil na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Binanggit din ng DENR sa  Cabinet meeting ang mga  priority programs nito gaya ng “enhancement of the natural capital accounting system, including the valuation of ecosystem hotcanadianpharmacy services; budget realignment and strategic collaboration with stakeholders; bolstering science and technology in environmental and natural resources management; and promoting green and blue jobs.”

Samantala, wala naman ng ibinigay na karagdagang detalye si Cruz-Angeles sa mga priority programs at proyekto ng dalawang nabanggit na departamento. Kris Jose